Post by MARJ on Mar 14, 2003 12:45:23 GMT -5
Writings : Ang Pintuan Ko
Contributed by aStG
Napakaganda ng pintuan na ito. Siyempre naman, pininturahan ko ito ng magandang kulay. Pinakintab ko ng maigi yung door knob. At siyempre pa nilagyan ko ng doormat para sa mga taong papasok dito. Napakatalinhaga ko no, ang pintuan na ito ay ang puso ko. Ngayong matanda na ko, sa pagakakaalam ko ha, handa na akong buksan ang puso ko para umibig. Handa na akong buksan ang pintuan, na aking puspusang inalagaan, pinaganda at inayos para sa mga darating na gustong pumasok sa buhay ko.
Hindi naman nagtagal, mayroon ng kumatok sa pintuan
na ito. Siyempre pa, pinagisipan ko muna kung papapasukin ko yung kumakatok. Baka naman kasi
madumi yung sapatos niya, madumihan niya pa yung
puso ko. O baka naman magnanakaw siya. Siyempre pinagisipan ko muna. Nung napagisipan ko na, at pinakita naman niya na mabuti siyang tao, pinapasok
ko na siya. Pero sinigurado ko muna na nagpunas siya ng sapatos sa doormat. Ang saya niyang kasama sa loob. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko dahil sa kanya. Pero di ko alam kung anong nagawa ko at bigla na lang siyang nagmadaling lumabas ng pintuan. Nakakasawa na daw sa loob sabi niya.
Nasaktan man ako, hinayaan ko na lng siyang umalis. Pero nagalit ako, pag labas niya, sabi ko iwan niya lang nakabukas ang pinto. Sigurado akong may iba pang papasok diyan.
Hindi ako nagkamali, ang daming pumasok sa loob.
Yung iba, nagmadali ding lumabas. Yung iba, pinilit kong lumabas ng pintuan. Minsan pa nga, dalawa yung taong nasa loob e. Alam mo yung parang naglalaro na lang ako. Ang ikinalulungkot ko lang, yung iba, napakadumi ng sapatos, hindi man lang nagpupunas sa doormat. Yung iba pa, binabagsak yung pagsara ng pintuan.
Shempre masakit, at nakakaasar pa dahil unti unting
nasisisra yung pintuan. Nakakatawa, naalala ko, kaya pala sila nakakalabas ng pintuan e kasi hindi ko pla ito nilolock. Alam ko na gagawin ko sa susunod.
Mayroon na namang kumatok. Pinagisipan ko na naman
kung papasukin ko.
Saglit ko lang pinagisipan, kasi baka umalis e. Pinapasok
ko na agad. Nilock ko yung pinto para sigurado. Ang masakit non, sinira niya yung pintuan para lang makalabas. Sira na yung pintuan ko. Nagsawa na ko.
Sa ngayon, naayos ko na yung pinakamamahal kong
pintuan. Pero ngayon, sinigurado ko na na walang makakapasok. Nilock ko na yung pintuan ko. Wala
na akong tiwala sa mga tao. Madaming nagtangkang
pumasok. Napakaraming kumatok. Pero hindi ko sila pinapasok. Ayoko na.
Natatakot na ko na baka sirain na naman nila yung pintuan. Natatakot na baka dumihan na naman nila
yung loob. Kung kailan ko ito ulit bubuksan hindi ko
alam. Basta ang alam ko, sa ngayon ayoko na muna.
Ayoko na ma-inlove.